Pobla na yan! Lolang may night life, nagpa-good vibes sa netizens

Aliw na aliw ang netizens kay Nanay Nancy at sa kanyang 'night out' videos sa TikTok.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Good vibes ang dala ng isang Tiktok post ni Nanay Nancy matapos niyang iflex ang kanyang “night out” sa bar kasama ang mga kaibigan.

Sa video, makikitang todo hataw si Nanay Nancy sa pagsayaw sa dance floor ng bar. “Yung pinayagan ka na mag bar pero 70 years old kana,” caption ni Nanay Nancy.

@nanaynancyvlogs

sana payagan kana rin

♬ original sound – Nanay Nancy Vlogs

Sa isang hiwalay na post, panalo naman ang video ni Nanay Nancy kung saan makikita siyang natutulog sa loob ng bar at nakasalampak sa lamesa habang madidinig na kunwari siyang sinesermonan ng magulang.

“POV: tumanda kana lahat lahat pinapagalitan ka parin pag umuuwi ng gabi,” ani Nanay Nancy.

@nanaynancyvlogs

uuwi na po ma

♬ original sound – DORINIL

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens kay Nanay Nancy habang may iba naman na aprub sa paggimik at pagha-happy happy niya kahit may edad na.

“Life is too short choose to be happy”

“Yung sinama mo si Nanay mo sa Pobla”

“bantayan nyo si nanay ha baka may lumapit at madala”

“nakaka good vibes si Nanay”

“the real dancing queen”

“Astiiig ni nanay HAHAHAHA”

Kilala si Nanay Nancy dahil sa kanyang nakakatuwang mga videos sa TikTok kung saan makikita ang mga bagay na hindi pangkaraniwang ginagawa ng kanyang henerasyon.