Apat na “yeses” agad at may bonus pa na standing ovation sa mga judges ang Pinay na kalahok sa “X Factor Malta.”
Hindi na nakapagtaka kung bakit isang magaling na mangangawit si Rose Marielle Mamaclay, matapos ito mapabilang sa Top 8 ng fourth season ng isang popular reality singing competition na “X Factor Malta.”
Makikita pa ang isang hurado na nagsabi ng “goosebumps” habang kinakanta ni Rose ang
“This Is Me,” ng “The Greatest Showman.”
Mula sa pamilya ng mga musicians si Rose. Sa katunayan, isang singer din ang kanyang ina.
“Singer si Nanay. I think I got it from her. I came from a family of musicians pero hindi ako tumutugtog. Yung lolo ko plays the violin. My cousins are drummer, pianist, and guitarist. Sa side po ni nanay musical clan po talaga,” ayon kay Rose sa panayam sa kanya ng Manila Bulletin.
Bilang paghahanda ni Rose sa kanyang pagperform sa next round, “I stay active. I drink a lot of water and I sleep early. Not so much in straining your voice. Eat healthy. Pero No. 1 is prayers.”
Nagpapasalamat din si Rose sa suporta ng mga Maltese at maging mga kapwa Pinoy sa Malta.