Pinatunayan ng isang tatay ang classic Pinoy phenomenon kung saan mas maaga pa sa pagsikat ng araw ang gising kapag may biyahe.
Sa isang nakakatuwang TikTok video na ibinahagi ni @shareenameyy, makikitang 4 a.m. pa lang ay naka-ready to go na ang kanyang ama para sa isang flight na magaganap sa tanghali pa.
Kwento ng uploader na 12:45 p.m. pa talaga ang biyahe ng kanyang tatay kaya kinantiyawan niya ito na nasa ibang bansa pa ang piloto ng sasakyan niyang eroplano ng mga oras na iyon. Ang pabirong sagot naman nito ay gigisingin pa niya ang piloto kaya siya maaga.
@shareenameyy FYI, TAGA PASAY LANG DIN KAMI. 30mins away from NAIA. To be fair, maaga sya lagi kahit saan. Imagine kung anong stress nya pag aalis kasama kaming 3 anak nyang babae na matagal kumilos 😂 @Elalala #fyppppppppppppppppppppppp #fypシ ♬ original sound – sha 🏋️♂️
Nag-viral agad ang video at natawa ang netizens sa pagka-relatable ng eksenang ito:
“Valid hahaha depends where you’re from 😅”
“Para bang papa-gasan nya pa yung eroplano”
“Humihilik pa yung piloto, si father ready na hahahahaha”
“HAHAHAAHAHA tapos 30 mins to 1hr from NAIA lang no? 😭 ang lala ng sense of urgency ni daddy HAHAHAHAHAHA”