Pinoy TikToker, successful fanboy nang mapansin ni Adele

‘Someone Like You’ cover ng isang TikToker, pinuri ni Adele sa comments.
Found this article interesting? Help others discover it too!

May kasabihan na huli man daw at magaling, naihahabol din! Iyon ang naging pakiramdam ni TikTok content creator Ton Soriano nang mag comment si Adele sa kanyang cover ng “Someone Like You”kamakailan lang. Pero ang siste, ang video ay inupload noong 2020 pa.

Matatandaang unang nag viral ang video hindi lang dahil sa ganda ng boses ni Ton kundi dahil sa naging reaksyon niya nang magulat siya sa biglang pagpasok ng kanyang roommate sa kuwarto habang seryoso siyang bumibirit.

Natuwa din ang mga netizen sa naging reaksyon ng roommate na nagulat din sa pagkagulat ni Ton.

Matapos ang mahabang panahon, nakarating din kay Adele ang video matapos itong mai-repost ng ibang followers ni Ton at napa-comment pa ito ng “soooo good.”

Ibang klase!