Pinoy teacher, dinaan sa ‘Of Course’ challenge ang dahilan kung bakit tinalikuran ang greener pasture sa US para magturo sa Pinas

Dating teacher sa US, mas masaya na ngayong nagtuturo sa Pilipinas.

Magandang oportunidad abroad ang hanap ng ibang Pinoy teachers kaya madalas napipilitan silang iwan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Pero iba si Teacher Joel Gapas France. Mula sa US, bumalik siya ng Pilipinas para dito na ulit magturo. Dati siyang Special Education Teacher Resource sa Anchorage School District sa Alaska. Nagturo din siya sa Wichita North High School sa Kansas.

Ilan sa kanyang dahilan? Idinaan ni Teacher France sa social media trend na “of course.” Ang version niya: “Dati akong teacher sa America” na mala-short storytelling.

“Dati akong teacher sa America, of course, itong grading sheet? Wala yan!” Hinahanap lang daw ang pangalan ng estudyante sa computer at pinipindot ang grades, “walang checking!”

Sabi ni Teacher France na nagtuturo na ngayon sa SPED- Ramon Magsaysay Highchool sa Cubao, Quezon City, wala rin daw uniform sa US bilang isang teacher, pero di gaya sa Pinas, may clothing allowance.

“Dati akong teacher sa America, of course walang mid-year bonus [doon], walang year-end bonus, at madami pang benefits, plus walang bayad pagbakasyon.”

Napakataas din daw ng tax sa US kaya halos kalahati na lang ang nakukuha niya sa sweldo niya, ang natatawa niyang sabi sa video na in-upload niya sa Facebook.

Kung may sakit? Tiis-tiis din daw at mahal magkasakit. “Mantakin mo ang bill ko sa pagpabunot ng ngipin, $700!”

Higit sa lahat, doon din daw niya nakita ang kaibahan ng mga estudyante sa Amerika at sa Pilipinas. “Kahit sabihin nyo pang makukulit ang mga estudyante sa Pilipinas, mas mabait yan ng di hamak.”

Maraming mga netizen din ang nag-agree kay Teacher France.

“Korek ka sir!”

“Pinoy pride ❤❤❤ iba parin talaga kapag dito sa Pinas.”

“Truth about cost of living and medical.”

“Nice one sir hehe”