Pinoy scientist at Australian expert, nagpamalas ng galing sa pagsagip ng coral reefs sa Pangasinan

Ang dating namamatay na mga coral sa Quezon Island sa Alaminos, Pangasinan, dumarami na muli dahil sa isang technique ng isang Pinoy marine scientist.

Naiwasan ang unting-unting pagkawala ng mga corals sa karagatan sa bahagi ng Quezon Island sa Alaminos, Pangasinan, salamat sa tulong ng Pinoy marine scientist na si Dexter Dela Cruz, Australian coral expert Peter Harrison, at sa grupo ng Marine Science Institute of the University of the Philippines (UP-MSI).

Inalala ni Dela Cruz na nang unang binisita nila ang lugar, halos patay na ang mga coral dito dahil sa epekto ng bleaching at pagtaas ng ocean temperatures gawa ng climate change.

Pero ngayon, dumarami na muli ang mga coral sa area dahil sa paglagay nila ng coral larvae, ayon kay Dela Cruz.

Umaasa si Dela Cruz na sa tulong ng coral larvae, makakapag-breed pa sila ng maraming coral na “future-ready” o mga coral na kayang makalaban sa heat waves at iba pang environmental stresses.

Ayon ulat ng Philippine Daily Inquirer, nais ni Dela Cruz at mga kasama nito na maturuan ang mga  mangingisda, mga lokal na pamahalaan at mga tagapangalaga ng kalikasan ng nasabing technique para mapalago pa ang mga coral at para na rin sa kanilang benepisyo.

“The end product of every research is when people use it … when they use your science and apply it to something good,” ayon pa kay dela Cruz.