Pinoy Pride, represent! ‘Mananambal,’ ibabahagi sa buong mundo matapos maging kabilang sa int’l film fest sa Nagoya

Napili ang pinakabagong pelikula ng National Artist for Film na si Nora Aunor bilang isa sa kalahok sa nalalapit na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan kung saan tampok ang buhay ng isang mananambal, o manggagamot na may kakayahang mangkulam.

Magbabalik sa international stage ang National Artist for Film na si Nora Aunor matapos mapili ang kanyang pinakabagong pelikula bilang kalahok sa nalalapit na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan ngayong Mayo.

Sa isang Instagram post, sinabi ng kanyang co-star na si Bianca Umali na napili ang horror film na “Mananambal” bilang isa sa mga official entry sa film festival, na idaraos sa Nagoya sa Mayo 25 at 26.

“Honored to be given this opportunity and to experience this side by side with our National Artist, the one and the only Ms. Nora Aunor,” ipinagmalaki ni Bianca sa kanyang post.

Kinuhanan ang pelikula sa Siquijor, at ikinukwento ang buhay ng isang mananambal, isang uri ng manggagamot na may kakayahan rin sa pangkukulam.

Kasama nina Bianca at Nora sa pelikula sina EA Guzman at Kelvin Miranda, at ito ay sa direksyon ni Adolfo Alix Jr.