Pinoy Olympians na sina Carlos Yulo, Aleah Finnegan at Emma Malabuyo ready na para sa Southeast Asian Games

Pinoy gymnasts kakasa sa mga malulupit na atleta sa Southeast Asian Games.

Pangungungahan ng mga Pinoy Olympians na sina Carlos Yulo, Aleah Finnegan at Emma Malabuyo ang Team Philippines para sa artistic gymnastics sa gaganaping 2025 Southeast Asian Games.

Mataas ang expectation ng mga Pinoy sa tatlong atleta matapos magtala ng makasaysayang double gold finish ni Caloy sa ginanap na Paris Olympics. Hindi man nagkamit ng medalya, humanga din ang mga Pilipino sa performance na ipinakita ni Finnegan at Malabuyo.

Sa ika-33 edisyon ng SEA Games, hindi kasama ang team events, kaya’t dalawang indibidwal lang mula sa bawat bansa ang maaaring lumahok sa bawat event. Dahil dito, tiyak na sasabak sa kumpetisyon ang tatlong atleta sa prestihiyosong torneo sa Thailand.