Pinoy nurse sa Canada, kinilala bilang ‘Nursing Hero’ dahil sa pagkalinga, paglingkod sa mga kapwa nurse

Para sa kanyang paglilingkod sa mga kapwa Pinoy nurse sa Canada at pagkalinga sa mga pasyente, ginawaran ng pagkilala ang isang Filipino-Canadian nurse ng isang tanyag na pahayagan sa bansa.

Kinilala ang isang Filipino-Canadian nurse para sa kanyang natatanging pagkalinga at paglingkod sa taunang Nursing Hero Awards, na pinapatakbo ng isa sa pinakamalaking pahayagan sa larangan ng health care sa bansa, ang Hospital News.

Iginawad kay Mark Anthony Gravoso, isang registered nurse sa Sunnybrook Health Sciences Centre sa Toronto, ang first prize sa patimpalak, na idinaraos kasabay ng National Nurses Week sa Canada mula May 6-12.

Sa pagkilala na ibinigay ng Hospital News kay Gravoso, sinabi ng pahayagan na nagbibigay siya ng “unwavering support, unrelenting guidance and mentorship” sa mga kapwa niyang Pilipino na nurse sa Canada.

“He values the importance of patient-centered care, and he enjoys working with his team to ensure his patients are receiving the best care possible,” ayon sa Hospital News.

“With his passion for nursing and commitment to serving the community, he advocated for the credential recognition of (internationally educated nurses) to address Canada’s looming nursing shortage.”

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fbit.ly%2F3WsynDB&h=AT3iXSW7qZCbD948m5s4T9GuAxYl0IBkpv-_c4FgWyotKGc0usME1DxjVpPodAmCLSQi6Ue0Qh4-wK1WQAO9Au7zhUJCEGpJVSw4fky5bumaLGDof-z5XvzV6h8Z9OhrFw&s=1

Mayroong higit sa 16 na taong karanasan sa clinical nursing si Gravoso, na nagtrabaho na rin sa United Arab Emirates, maliban sa Canada at Pilipinas.

Nagtatrabaho si Gravoso sa Toronto General Hospital at Sunnybrook Health Sciences Centre.

Tumatayo rin siyang pangulo ng Integrated Filipino Canadian Nurses Association (IFCNA), isang samahan ng mga Pilipinong nurse sa bansa.