Pinoy na nadiskubre paano sumakses na tawagin ang isang Koreanong pusa, viral sa TikTok

Ngayon, alam na ng mga TikTok netizens kung paano mapansin ng isang pusa sa South Korea.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung sa Ingles ay “here kitty kitty” ang gamit para lumapit ang pusa at “swswswsws” o “mingmingming” naman sa Filipino, paano naman kaya tawagin ang mga pusa sa South Korea para rumisponde?

Ito na nga ang nadiskubre ng isang Pinoy sa South Korea nang makatyempo ito ng isang pusa habang naglalakad sa isang kalye sa nasabing bansa.

Sa TikTok video ni @niavelr, makikitang nakatalikod ang orange bicolor cat sa labas ng isang gate. “Are you okay?” ang bungad na sabi ng uploader, kinakausap ang dedmang pusa.

Nang hindi ito lumingon, sinubukan niya ang “swiswiswswsimnida” at dinagdagan ng “annyeong” at sumakses siya na makuha ang atensyon ng pusa.

“Ay lumingon!” ang laking gulat niya, sabay tawanan ng kanyang mga kasama.

@niavelr edi meow 🤣 #catsoftiktok #southkorea #furyou #annyeong #fypシ ♬ original sound – niavelr

Patok sa netizens ang kanyang video na umabot na sa tatlong milyong views. Umani rin ito ng mga nakakatawang hirit at iba’t iba pang suggestion kung paano tawagin ang isang Korean cat sa comment section:
Pag mandarin ‘Ni haomeow’ hahahaha

“Korean cat nga sha😂”

“mingmingmingminghaseyo”

“mingming-ssi”

“Pusa: Annyeoung kailangan mo?”

“Confirmed! Korean Cat yan sya!😂😂”

“Nag eexist din pala sa kanila yung communication barrier akala ko sating mga tao lang yun HAHAHA”