Isang Pinoy sa New Zealand ang nagpasilip ng kanyang buhay bilang isang milker at kung paano pa niyang naiisipang gawan ng nakakatawang content ang mga bakang halos araw-araw niyang kahalubilo.
Sa TikTok ni Riri Cabrera, laugh trip ang kanyang dala nang gawan niya ng skit kung saan nagtawag siya ng “team meeting” kasama ang kanyang mga alagang baka.
Tila totoong pagpupulong ang naganap dahil sinasabihan niya ang mga baka sa mga susunod na mangyayari matapos silang gatasan. Ang nagdala pa ng kanyang skit ay ang mga bakang tutok na tutok rin sa kanilang boss at sumasagot pa.
Dumagdag pa ang mga pa-zoom-in sa mga mukha ng mga baka na seryosong nakatingin na akala mo’y marami ring iniisip.
@riri_cabrera Ang dami nyong side comment and concerns. Hahaha. #life #farm #nz #dairy #newzealand #pinoy #farming ♬ original sound – Riri Cabrera 🇵🇭🇳🇿
Tawang-tawa ang mga netizens sa team meeting na ito:
“may kanya kanyang pitik talaga tayo e no HAHAHHAHAAHAHHAHHAAHAHA”
“ang hindi nakikinig magiging corned beef 🤣✌🏻”
“bakit parang iniirapan ka nung ibang team members. May attitude problem yata sila 😅”
“Di pa tapos magsalita, sumasapaw na sila sayo HAHAHAHAHA 🤣🤣”
“HAHAHAHHAHHAHAHA SINO PO NAG NOTES NG MINUTES OF MEETING??? 😭😭”