Pinoy love hits different: Alex Eala sinabing the best ang suporta galing sa Filipino fans

Apaw-apaw ang saya ng Pinay tennis star na si Alex Eala na kasama niya sa kanyang tagumpay ang milyong Pinoy na patuloy na nagchi-cheer para sa kanyang pagkapanalo.

Aminado si Pinay tennis sensation Alex Eala na iba talaga kapag ang Pinoy ang sumusuporta sa tagumpay ng kapwa Pinoy.

Sa isang interview matapos ang kanyang makasaysayang panalo sa first round ng US Open, ang unang pagkakataon na magtala ng panalo ang isang Pilipina sa Open season ng tennis, sinabi niyang kahit ikumpara pa ang mga Pinoy sa kahit anong nasyonalidad sa mundo ay may kakaibang katangian talaga ang mga Pilipino.

“But I swear, if you just walk on the street and you cross paths, like you’re going to know they’re Filipino. Like you’ll know right away, you’ll know instantly. And I think that’s just the sense of, we say kapwa in Filipino,” ani Alex sa kanyang interview.

“It’s like sense of community or family, like that, yeah,” dagdag paliwanag pa niya.