Muli na namang napatunayan ng mga Pinoy ang pagiging “best audience” sa katatapos lang na “Hitman: David Foster and Friends” concert sa Araneta Coliseum noong Hunyo 18.
Ang pagiging best audience nila at ang galing sa pagkanta ay na-witness ni Katharine McPhee nang hiniling niya sa audience na sabayan siya sa pagkanta ng kanyang hit song na “Terrified,” na sumikat noong 2010.
“Philippines!! Thank you for coming to our show, for letting my song still resonate with you all these years later and for singing along like this—all 16,500 of you!” ang caption ng namamanghang singer-songwriter.
“You left us speechless,” dagdag pa niya. Isa si Katharine sa mga performer sa concert ng kanyang asawang si David.
Laging bukambibig ng mga banyagang nagtatanghal sa Pinas na best crowd ang mga Pinoy.