Kinabiliban ng mga Pinoy ang vlogger na si Hungry Syrian Wanderer o Basel Manadil sa kanyang entry sa “Piliin Mo ang Pilipinas” challenge kung saan inilahad niya ang mga dahilan kung bakit siya napamahal sa bansa at sa mga tao dito.
Inilahad din ng matulunging vlogger kung bakit siya napadpad sa Pilipinas, maging ang kanyang pasasalamat sa mga Pilipino na niyakap siya bilang bahagi ng kanilang komunidad.
Sa kanyang video, ipinakita ni Basil ang ilang bahagi ng kulturang Pinoy sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Kahit na simple lang ang kanyang video, natuwa naman ang mga Pinoy na ang isang banyaga ay nagmamahal ng ganoon sa bansa.
Nakilala ang vlog ni Basil sa mga Pilipino dahil sa kanyang sorpresang pagtulong sa mga tao at pagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipinong nangangailangan.
“I’m tearing while watching this for someone who’s not a Filipino and yet he love the Philippines as his own. This is a powerful version of Piliin mo ang Pilipinas 🇵🇭️ We. love you Basel you did great!”
“Grabe mga tao, napaiyak ako.. Maraming salamat Basilyo.. Hungry Syrian Wanderer sa pagpili ng PILIPINAS,”
“Amazing Basel! The only foreign who loved PH like his own. We will continue to support you because filipinos loves you”
“Salute sir Basel. Naiyak ako kasi kahit di ka totoong Filipino by blood pero Filipino ang iyong puso”