Pinay yaya, niregaluhan ng iPhone 14 Pro Max, iPad Pro at AirPods Max ng kayang boss dahil nabilib sa kanyang dedikasyon

Niregaluhan ng isang British social media personality at entrepreneur ang kanyang Pinay kasambahay ng mga mamahaling gadgets bilang pasasalamat sa kanyang kasipagan at dedikasyon.

Isang Pinay domestic helper ang swerteng nakatanggap ng Apple devices mula sa kanyang amo na si Iman Gadzhi, isang British social media personality at entrepreneur.

Sa isang TikTok post ni Gadzhi, pinaliwanag niya kung bakit deserve ng kanyang masipag at dedicated na Filipina nanny na si Sally ang kanyang magarbong regalo—isang AirPod Max, iPad Pro at isang iPhone 14 Pro Max.

“We got our maid, who is Sally and she’s really amazing. She lives in our house and just makes sure we basically don’t fall apart. So I got her AirPod Max, iPad Pro, so she can just watch our YouTube videos in her free time,” ani Gadzhi.

Dagdag pa niya, hindi raw nanonood si Sally sa TV sa bahay dahil nag-iingat ito na wag makaistorbo. Ngayon na may iPad Pro na ang kanilang masipag na kasambahay, makakapanood na siya ng kanyang mga paboritong palabas sa oras ng pahinga.

Meron naman aniyang Samsung phone si Sally, pero naisipan niya ring palitan na ito ng isang brand new na iPhone 14 Pro Max na may kasama pang case, kuwento pa ni Gadzhi sa kanyang video.

Laking gulat naman ni Sally ng iabot ito sa kanya ng kanyang amo kinabukasan habang nag hahanda ng almusal. “Oh my God, Are you sure? I can’t believe this,” ani Sally nang matanggap ang mga regalo.

Laking pasasalamat naman ni Ghadzi kay Sally: “Thank you for everything. We really appreciate you,” sabi ng sikat na influencer.

@imangadzhi Sally absolutely deserved it #fyp #foryou #imangadzhi #relatable #mindset ♬ original sound – Iman Gadzhi Unscripted