Pinay volleyball stars di napigilang mag-fangirl kay Japanese volleyball player Ran Takahashi

Pinay volleyball superstars nagkaroon ng mga 'fan girl' moments sa Philippine leg ng 2024 Volleyball Nations League.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Padami ng padami ang mga fans ng volleyball sa Pilipinas. Halos ka-level na ng mga superstars ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kasikatan ng mga manlalaro ng Premier Volleyball League (PVL).

Pero kahit superstars na kung ituring, hindi napigilan sina Alyssa Valdez ng Creamline Cool Smashers at Fifi Sharma ng Akari Chargers na mag-fan girl moments sa nakalipas na Philippine leg ng 2024 Volleyball Nations League (VNL).

Sa kanyang post sa X, flinex ni Alyssa ang pag-“follow” sa kanya ni Japanese volleyball player Ran Takahashi.

Iba naman ang trip ni Fifi matapos nitong mag caption ng “hard launch” sa kanyang post sa Instagram kay Ran.

Pero bago pa ang pag-fafangilring ng dalawang PVL superstars, hindi na nagpahuli ang collegiate volleyball superstar na si Bella Belen ng NU Lady Bulldogs. Noon pang 2022 ay nagkaroon na ng “jowa reveal” si Bella kay Ran.

“no more ‘sana all’. #jowareveal chz,” ayon sa Instagram post ni Bella.

Mahaba na ang pila kay Ran. Sino pa kaya ang susunod?