Pinay ‘Sister Act’ sa kalsada? Madre ng St. Scho, kinagiliwan ng netizens dahil sa ekspertong pagmamando ng trapik sa Maynila

Aliw na aliw ang netizens sa isang madre ng St. Scholastica’s College-Manila na nagmando ng trapik sa Maynila.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isa sa mga iconic na pelikilula ng 90s ang “Sister Act” kung saan ang aktres na si Whoopi Goldberg ay nagpanggap na madre at nagdulot ng malaking pagbabago sa kumbento.

Mahigit tatlong dekada matapos ipalabas ang “Sister Act”, isang Pinay na madre ang tila nag-channel ng vibe ni Deloris, ang karakter ni Whoopi sa pelikula—pero this time, sa kalsada!

Spotted si Sister Constance Tecson, OSB, ng St. Scholastica’s College-Manila na todo effort sa pagma-mando ng trapiko sa Singalong corner Vito Cruz Street sa Maynila.

Sa Facebook post ni Francis Samonte, makikita si Sister Constance na mistulang legit traffic enforcer, mula sa pagtaas ng kamay, pagpapahinto sa mga sasakyan, at pagpapaabante sa mga nasa kabilang kalye.

“Subukan mo wag sumunod, minus one ka sa langit. Happy Monday! God Bless the week!” caption ni Francis.

Napagalaman ng Good Vibes Daily na kumusa na ang madre na magmando ng trapiko sa araw na iyon dahil sa buhol-buhol na traffic at wala anyang traffic enforcers sa lugar na iyon.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa video ng mala-Pinay “Sister Act” dahil sa kanyang husay sa pagta-trapik sa kilalang bumper-to-bumper na area sa Maynila:

“Mas malakas ang power nyan sa mga enforcer natin. Di mo kaya taluhin un backer nyan”

“TRAFAITH ENFORCER”

“In fairness she does the job better than some enforcers…”

“the obedience of drivers depend on the integrity of the enforcer”

“Sana mapasyal si Sister dyan sa Bandang Lacson, At dyan sa Kahabaan ni Quirino. Hahahaha”