Pinay prof sa UAE, tinalo ang Stage 3 cancer at ngayon ay isang malakas na boses para sa breast cancer awareness

Isang malaking hamon sa pisikal, emosyonal, at mental na kalusugan kapag may kanser ang isang tao.

Ganito ang naramdaman ni Dr. Sharon Mendoza-Dreisbach, isang Pinay na naninirahan na sa United Arab Emirates at isang assistant professor sa Skyline University College sa Sharjah, nang matanggap niya ang kanyang diagnosis.

Matapos sabihin sa kanya ng doktor na mayroon siyang stage 3 breast cancer noong Oktubre 2015, naging isang mahaba at puno ng hamon ang kanyang buhay.

“The surgeon told me, ‘Go back to the Philippines and spend your remaining time with your family.’ Instead of being scared about what she said, I got so furious that she handed me a death sentence,” ang sabi ni Dreisbach, na tubong General Santos City, sa panayam ng GMA News Online.

Umalis sa Pilipinas patungong Dubai si Dreisbach noong 2006.

Dahil sa kanyang determinasyon at tiwala sa Diyos na gagaling siya at malalampasan niya ang lahat, dumating kay Dreisbach ang magandang balita matapos ang 10 buwang gamutan na siya ay cancer-free na. Ayon sa kanya, hindi lamang ang aspetong physical ang pinaka-importanteng leksyon ang kanyang natutunan sa kanyang paggaling kundi pati na rin psychologically, emotionally, at spiritually. Upang mapalaganap ang kaalaman tungkol sa sakit at makatulong sa kapwa, naging adbokasiya na ni Dreisbach ang breast cancer awareness. May payo rin siya sa mga ito: “Be courageous to accept the reality. Never question our Almighty Creator. But instead seek His guidance to understand His message. Never doubt that you will not win your battle against cancer.” Nakatanggap rin ng maraming award at pagkilala si Dreisbach dahil sa kanyang adbokasiya na tinuturing din niyang isa sa kanyang mga “greatest achievements” sa buhay.