Pinay power! 2 pang Pinay pasok na para mag debut sa K-pop group na UNIS

Opisyal nang inanunsiyo na pasok sa final line up ng bagong K-pop group na UNIS ang mga Pinay na sina Gehlee Dangca at Jin Hyeon-ju na makakasama si Elisia Parmisano.

Matapos patunayan ng 14-year-old K-pop aspirant na si Elisia Parmisano na karapat-dapat siyang mapabilang sa mga magiging miyembro ng K-pop group na UNIS, dalawa pang kapwa Pinay ang nakapasok sa line up matapos mag-qualify sa talent survival show na โ€œUniverse Ticketโ€ sa Korea.

Confirmed na pasok na para mag-debut sila Gehlee Dangca at half-Pinay na si Jin Hyeon-ju matapos ang mga mahihirap na challenges na sumubok sa kanilang galing at determinasyon. Todo suporta naman ang mga Pinoy sa Pilipinang kalahok sa pamamagitan ng mga pagpa-power vote para sa kanilang mga manok.

Matatandaang si Elisia ang unang contestant na nakapasok sa debut line up, at ngayon ay kasama na nya sila Gehlee at Hyeon-ju para mabuo ang FILO line ng grupo. Lima pang ibang kalahok ang pasok sa line up ng UNIS.

Sa simula ng show, 82 na mga kalahok mula sa Thailand, Malaysia, Indonesia, Japan, China, Canada, at Australia ang nagpatagisan ng galing at talento upang mapabilang sa line up ng K-pop group na bubuuhin ng F&F Entertainment. Sa ngayon ay wala pang opisyal na debut date ang grupo.