Ang pagpapalagay ng isang tattoo at ang magiging disenyo nito ay isang personal na desisyon dahil magiging bahagi na ito ng katawan ng pangmatagalan.
Pero iba ang naging diskarte ng Pinay gymnast na si Levi Jung-Ruivivar, na planong magpa-tattoo na magsisilbing remembrance ng kanyang pagpasok sa 2024 Paris Olympics.
Sa kanyang post sa Tiktok, humingi siya ng mga tattoo ideas sa mga taong hindi niya kilala at nakakasalubong lang niya sa iba’t ibang lugar.
“Since I made Paris 2024, I’ve been wanting to get a tattoo. So I’m going to be asking strangers where I should get the tattoo and what the design should be,” kwento ni Levi.
@levijungruivivar Please help, I need ideas!!! #fyp#fypppp#viral#viralvideo#olympics#paris2024#gymlife#interview#tatooideas#tatoo @Olympics ♬ original sound – levijungruivivar
Samu’t sari ang mga nakuha niyang sagot: Eiffel Tower sa kanang parte ng tiyan. Olympic rings sa noo. Philippine flag sa tabi ng Olympic rings sa likod. Olympic rings sa wrist.
Ano kaya ang mapipili ni Levi na design para sa kanyang Paris Olympics tattoo? Abangan!