Pinay food vlogger, inispluk ang iba’t ibang paraan ng pagluluto ng tirang tikoy mula sa Chinese New Year

Sagot ni Abi Marquez ang paraan ng pagluluto ng mga tiring tikoy para iwas umay.

Meron ka pa rin bang tiring tikoy mula sa Chinese New Year? Huwag kang mag alala! Hindi ka kailangang maumay sa isang klaseng pagluluto ng iyong Chinese delicacy dahil itinuro ni food content creator Abi Marquez ang iba’t ibang paraan ng pagluluto nito.

Siyempre, sa level 1 ay ang orihinal na paraan kung saan babalutan ng itlog ang tikoy slices bago iprito.

Ang level 2, pwede ding simpleng I steam ang tikoy at balutin sa niyog.

Sa ikatlong paraan, pwedeng gumawa ng makeshift pancake batter na pwedeng ipangbalot sa tikoy bago ito prituhin.

Mayroon ding technique na iko-coat sa breading ang tikoy bago prituhin at meron ding style na gini-grill ang tikoy.

Sa dami ng paraan kahit isang linggo ka pang magpakabusog sa tikoy ay hinding hindi ka magsasawa.

Mukhang tikoy time na!