Umani ng mahigit isang milyon views ang isang video ng isang Pinay na nagbalikbayan kamakailan dahil sa kanyang kakaibang reaksyon sa sorpresang naghihintay sa kanya sa labas ng airport.
Kanya-kanyang pakulo ang mga Pinoy sa pagsundo sa miyembro ng kanilang pamilya pag dumarating sa airport. Kung kadalasan, hiyang-hiya ang kamag-anak na sinusundo sa bonggang salubong, si Hesper Mae Rivera Lee naman na galing Florida ay nagpasiklab.
Paglabas ni Hesper sa arrival area, dinig na dinig na ang mala-pistang tugtog na nagmumula sa loud speaker na dala ng kanyang pamilya. Pero bilang backup dancer ng mga shows ng mga artistang Pinoy sa US, game naman agad si Hesper na ipamalas ang kanyang dancing skills habang papalapit sa kapatid na magsusuot ng korona sa kanya.
“Yung nahiya ka dahil may pa loud speaker sila pero mas nahiya sila para sayo! Eh di sorry?! HAHA,” ang caption ni Hesper sa kanyang video. Wala naman nang nagawa ang kanyang mga kamag-anak nang umindak na ito kundi ang humagalpak ng tawa.
Kinagiliwan naman ng netizens ang video ni Hesper, CEO ng Lee Luxe Beauty. Umabot na nga sa 1.8 million ang views dito:
“Love it sis, good vibes ka talaga. Enjoy your vacay❤️❤️❤️”
“Wow energetic at fresh pa siya ilang hours kaya travel mo at nakaya mo pang sumayaw in fairness wow talaga sana all na lang talaga”
“SI Beyonce Pala Ang sinundo sa airport SO HAPPY FOR YOU SISSY”