Pinakamalakas! Rosmar, niregaluhan si Diwata ng 5 milyong halaga kabilang ang bahay, produkto at iba pa

Hindi makapaniwala si Diwata sa bonggang sorpresa sa kanya ng kapwa social media personality at negosyante na si Rosmar.

Hindi magkamayaw ang saya ng negosyante at social media personality na si Diwata dahil sa surprise gift sa kanya ng kapwa negosyante at vlogger na si Rosmar.

Sa isang video, ipinakita ang bonggang regalo ni Rosmar kay Diwata, kabilang na dito ang isang house and lot, isang milyong piso at kung ano-ano pang dagdag na regalo.

(Rosemarie Tan Pamulaklakin/FB)

“Ang pera, kikitain ko ulit yan pero ‘yong mabago ko ang buhay ng mga tao sa paligid ko, wala ‘yong katumbas na halaga,” ani Rosmar sa naiiyak sa tuwang si Diwata.

Kabilang sa mga naging regalo ni Rosmar ay endorsement, motor, products at cash na kung pinag sama sama ay maaring umabot sa P5 million. Binilinan din ni Rosmar si Diwata na lalong magsikap para mapalago kung ano man ang mga biyayang natatanggap nya ngayon.