‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ acapella version, inulan ng papuri sa social media

Ginamit ng grupong Acapellago ang kanilang talento sa pag-awit upang bigyang buhay ang viral na “Piliin Mo ang Pilipinas” song ni Angeline Quinto.

Maraming klaseng paandar na ang nailabas ng mga Pinoy at expats na jumoin sa “Piliin Mo ang Pilipinas” challenge pero kakaibang approach naman ang ginawa ng isang acapella group kung saan nag-pokus naman sila sa pagpapakita ng galing ng mga Pinoy sa musika.

Sa kanilang acapella version ng “Piliin Mo ang Pilipinas,” ipinamalas ng limang miyembro ng Acapellago ang kanilang husay sa pag-harmonize at pag-blend ng kanilang mga boses upang lumikha ng nakakabilib na rendisyon ng sikat na kanta.

(Facebook/Acapellago)

“Kahit ang hirap sa Pilipinas..pero dahil po sa inyo… lumalaban sa hamon ng buhay para sa Pilipinas”

“Potek,galing!!!!!hats off#ProudtobePinoy#PilipinasIstillchooseyou”

“Makes me proud to be Filipino. Ang galing nyo po.”

“Dahil sa kanilang galing ay bigla ding dumagsa ang mga imbitasyon sa grupo upang magtanghal sa iba’t ibang corporate events. Deserve naman!”