Photobooth moment ng magbabarkada nauwi sa kilig nang sumali si Gian Bernardino

Viral sa TikTok ang photobooth session ng isang tropa matapos biglang sumali si Gian Bernardino ng Cup of Joe.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Uso na pala ngayon ang biglaang special guest sa photobooth session.

Sa isang viral TikTok video na ibinahagi ni @‌ttigerdumpp, nauwi sa nakakatuwang sorpresa ang simpleng photobooth moment ng isang barkada matapos mapasama sa kanilang photo op ang singer-songwriter ng OPM band na Cup of Joe na si Gian Bernardino.

Hindi naitago ng isa sa magkakaibigan ang gulat at napa “Oh my gosh!” pa nang i-welcome si Gian sa loob ng photobooth. Ang inaasahang tawanan at kulitan ay biglang nauwi sa kilig nang buong pusong nakisali si Gian sa picture-taking.

“Na para bang tropa nila kung ayain sa photobooth,” biro ng uploader sa caption, na agad namang kinaaliwan ng milyong fans at netizens.

@ttigerdumpp @Gian Bernardino may picture kana po kasama kami eme HAHAHA 🤭 thank you po!!! #cupofjoe #fypシ #gianbernardino @Cup of Joe #swertengkumag ♬ suono originale – billie🎵🎬@film_12🧡

Hindi rin nagpahuli ang comment section, kung saan bumuhos ang aliw ng netizens sa sobrang random pero unforgettable na encounter:

“bat bigla syang nag spawn dyan 😭 apaka random bwahahaha”

“si gian nakita ko sa fyp ko today nasa acustica, resto sa tagaytay, tas ngayon photobooth?? 😭😭”

“organic encounter yarn? HAHAHAHA”

“dapat nagsabi kayo ng ‘si GIAN BERNANDINO BAYAN! minumulto nako ng damdami. koOoOooOOOoO~’ 😭”