Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Teachers’ Month, naglabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPOST) ng commemorative stamp kamakailan upang bigyang pugay ang dedikasyon ng mga Pilipinong guro.
Umaasa ang PHLPOST na sa ganitong paraan ay patuloy na mabigyang inspirasyon ang mga guro sa kanilang mga trabaho.
“Through the NTM commemorative stamps, we pay tribute to our beloved teachers who are vital in molding the future of the Filipino youth,” ayon sa pahayag ni Postmaster General Luis Carlos, sa ulat ng Philippine News Agency.
Makikita sa stamp ang isang imahe ng guro na pinapalakas ang loob ng mag-aaral para gamitin ang kanilang kakayahan para makabuo ng maayos at maunlad na hinaharap para sa lahat.
Naka-sentro ang mensahe ng stamp sa temang: “Pagpapatibay ng mga Guro: Daan sa MATATAG na Kinabukasan.”