Ginalingan naman talaga ng Veterinary Office ng Panabo Davao de Norte ang pagpapakita ng pagmamahal sa mga alagang hayop sa kanilang lugar.
Ang mga alagang aso at pusa kasi pwedeng kunan ng pet health card na naglalaman ng kanilang mga impormasyon tulad ng bakuna sa rabies at sa sakit.
Makikita din dito ang kanilang pangalan, edad, breed at iba pang impormasyon tungkol sa pet at sa amo nito tulad ng contact information.
Natawa naman ang ilang mga netizen dahil ang mga inilagay na larawan ng mga muning at Bantay ay panay pang naka necktie na para bang mag a-apply.
“Bawal po nakalabas dila sa formal pic po”
“Parang over qualified tong mga to sa ka cutetan mataas rate dapat neto sa sweldo!”
“Ano pong position inaapplyan? HAHAHAHHAHAHA”
“Hiwalay na Breed na talaga yung ORANGE”