Kapag sumasali sa cosplay, talagang asahan na merong mangangarir ng kanilang costume. Pero ang isang contestant sa Cosplay Blitz event na ginanap sa isang mall, kinarir hindi lang ang costume kundi maging ang presentation.
Sa video post ng page ng Real Life, ipinakita ang isang cosplayer na nakadamit bilang Elsa ng “Frozen” habang nag pe-perform ng “Let it Go.” Bukod sa kopyang-kopya ang mga galawan ni Elsa kasama na din ang mga pa effects na snow, mayroon ding naganap na costume change, hair change, pa-giveaway at pasabog na finale.
Manghang-mangha naman ang mga audience ng ginanap na event dahil daig pa nila ang nanood ng “Disney on Ice” show.
“Galiiiingg ng costume change and the sprayy hehehe”
“Entertaining”
“Maparaan ai !!!! .. goodbye facepowder”
“Ganap na ganap ang galing”