‘Perfectionist final boss’: Chichirya section na ultra-organized sa isang supermarket sa Davao, nagpa-wow sa mga customers

Nag-alinlangan bumili ng chichirya ang isang TikToker matapos makita ang perpektong pagkakaayos ng mga ito sa pinuntahan niyang grocery store sa NCCC Mall sa Davao.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung graded lang ang pag-aayos ng grocery shelves, tiyak na perfect score ang empleyado sa supermarket ng NCCC Mall sa Davao.

Paano ba naman, sobrang Pulido ang pagkakahilera ng mga produkto sa bawat istante, tipong mapapaisip ka muna bago kumuha dahil parang nakakahiyang guluhin ang pagkakaayos nito.

Ito mismo ang naramdaman ng customer na si @‌jenitapkt nang maispatan niya ang chichirya section na halos museum-level ang ayos.

“Uhmm? Nakakahiya namang bawasan ang arrangement niyo maem,” ani uploader sa kanyang TikTok video. “Na para bang magkakasala pa ako neto,” dagdag pa niya sa kanyang caption.

@jenitapkt na para bang magkakasala pa ako neto #fypシ #satisfying #tiktok ♬ original sound – its_bnhr deleter – ✯𝐑𝐀𝐈𝐍𝐘 𝐋𝐄𝐓𝐓𝐄𝐑𝐒✯

Libo-libo na ang hearts ng video habang pilit hinuhulaan ng mga netizens kung anong zodiac sign ng nag ayos nito:

“virgo nag ayos nyan”

“ganda sa eyes, wag na muna mamili HAHA”

“earth sign yung nag-ayos😂”

“perfectionist final boss”

“ang ganda ng arrangement nila nakakhiya bumili😂”