Perfect twist! Kilig video ni Andres, Mother’s Day surprise pala kay Mommy Charlene

Andres naglabas ng music video ng “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko.”

Sorry muna sa mga fangirls ni Andres Muhlach dahil ang kanyang nakakakilig na music video kung saan niya inawit ang “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko” ng The Hotdog” ay inialay niya sa kanyang inang si Charlene Gonzales Muhlach.

Nagsimula ang video na parang nanghaharana ang anak ni Aga Muhlach habang siya ay nakapostura at umaawit sa entablado.

Subalit nang umabot na sa climax, sinorpresa ni Andres ang kanyang mga fans dahil ang kanya palang inaawitan ay ang kanyang ina na dating sumabak sa Miss Universe pageant.

Mothers’ Day surprise pala ito ni Andres sa kanyang mommy na si Charlene.

Aprubado naman ito ng kanyang fans dahil sa pagdudulot nito ng kakaibang level ng kilig.

“This mv shows kung gaano tlg kamahal ni andres si ms. Charlene, a wonderful gift for his mom.”

“Nakakaproud! Makikita Talaga kung aano rin ka-proud si Andres sa mother niya, they really raised Andres as a good and gentleman without any forcing. Sobrang sarap ulit-ulitin!”