Pedestrian na nag-ala-Spiderman para makaiwas sa araw, nagbigay katatawanan sa internet

Katatawanan ang dala ng video ng isang pedestrian na mala-superhero ang diskarte para maiwasan ang sikat ng araw
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa sobrang init ng panahon, kanya-kanyang diskarte na ang mga Pinoy para makaiwas sa init ng araw.

Pero kakaiba ang diskarte ng isang pedestrian na nakunan ng video ni Luis Andrew Tesorero na nagala-Spiderman para lang hindi tamaan ng sikat ng araw.

Sa video, makikita ang isang pedestrian na normal na naglalakad sa isang sidewalk. Pero nang matapat siya sa lugar na tirik na tirik ang araw, bigla itong dumipa sa pader na parang si Spiderman at dahan-dahan lumakad ng patagilid habang nakasandal sa pader.

“POV: Ayaw mong maarawan,” caption ni Luis.

@junniegirl_ sayang ang sabon HAHAHAHA #fyp #pov #spiderman #viral #foryou ♬ original sound – Egirl Tesorero

Patok naman sa mga netizens ang video ni Luis habang meron naman na naka-relate sa diskarte ng pedestrian.

“Yung lakad matatag HAHAHAHAHA”

“sooo meeee”

“sayang kojic”

“Literally me”

“Akong ako to haha”

“literally me kahit nagapply ng sunscreen”

“sayang yung pang pa puti na sabon”