Bukod sa talento sa pagkanta, likas na mapagbigay ang Filipino-American music icon na si Apl.de.Ap.
Hindi kinalimutan ng Black Eyed Peas member ang kanyang dating paaralan, ang
Sapang Bato National High School sa Pampanga dahil binabalik-balikan niya ito para magbigay ng tulong.
“Siguro po laging nasa listahan ni Apl.de.Ap, number one lagi ang Sapang Bato National High School and I’m very glad na lagi pongp ganu’n ang nangyayari at sinisiguro po namin na hindi po nasasayang ang pagkakataon na ipinagkakaloob ni Apl.de.Ap para eskwelahan lalo na for our students,” ayon kay Abdon Aguilar ang principal ng paaralan sa ulat ng GMA News Online.
Kasama ang Khan Academy PH and Accenture PH, nagdonate si Apl.de.Ap ng 50 laptops para makatulong sa digital transformation ng paaralan. Ang Khan Academy platform ang mabibigay ng libreng pagtuturo sa skills mastery in computing. May ipamimigay din na certificate sa mga magtatapos. “I was given an opportunity and became a Black Eyed Peas and now I’m paying it forward to help kids just like me, to be able to have an opportunity, these resources to be able to compete with the world,” saad ni Apl.de.Ap o Allan Pineda sa tunay na buhay. Sinabi din niya sa panayam ng “24 Oras,” na naalala niya ang kanyang sarili sa mga eatudyante doon noong nag-aaral pa siya sa nasabing paaralan. Pinasaya din ni Apl. de Ap ang mga eatudyante matapos niya itong handugan ng kanta kasama ang Ayta Brothers na naging contestant sa first season the “The Voice Generations.”