Payabangan ng achievements! Miss USA, nag-viral dahil sa bardagulan ng mga kandidata

Nag-viral muli ang Parade of States ng Miss USA 2019 dahil tila nagpayabangan ang mga kandidata ng kanilang academic achievements.

Kung ang Thailand ay laging nag va-viral dahil sa mga kandidatang daig pa sa megaphone ang pagsigaw ng kanilang introduction, iba naman ang mga paandar ng mga kandidata ng Miss USA dahil hadang-handa silang magpayabangan ng achievements sa unang labas pa lang.

Sa isang lumang video ng Miss USA pageant noong 2019, pinasimulan ni Miss Alabama ang Parade of States at ipinakilala ang sarili bilang isang senior college student na major sa musical theater.

Tila ayaw naman magpatalo ng mga sumunod pang kandidata kaya’t kanya-kanyang lapagan na ng achievements. Mayroong graduate ng Harvard. Mayroong honor students. May mga geophysicists at iba pa, kaya’t palakasan din ang hiyawan ang fans ng bawat kandidata.

Marami mang naaliw sa payabangan ng mga kandidata, marami ding mga humanga at nagsabing ang mga pageants ngayon ay next-level na at hindi na uubra na maganda lang, kailangan ay may napatunayan din sa talino at achievements.

“Powerful and independent women of today’s society!”

“Beauty and brain and talent! “

“indeed, Beauty and Brain. Just wow!”