Paw Patrol yarn?! Aso, patok sa netizens nang mag-ala-supervisor ng Bureau of Fire Protection

Netizens tuwang-tuwa sa asong tila pinapa-formation ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga netizens ang video ng isang aso na aakalain mong commandant ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos ipag-formation ang mga bumbero ng Bicol Region.

Sa Tiktok video pinost ni @anjoe, makikita ang Golden Retriever na si Addie na tinatahulan ang mga bumbero para mabilisang mag-formation.

Kitang-kita naman ang pagsunod ng mga tauhan ng BFP sa “commands” ni Addie dali-daling nag formation sa tabi ng isang firetruck.

“Form! 1, 2, 3! Bilis! Ang babagal! Ano ba yan?!” pabirong caption ni @anjoe.

May bonus na pa-ice cream naman si Addie matapos niya mapagod sa pagpapasunod sa mga bumbero.

@ahshong707 #CapCut #AIfortodaysbidyow #addie ♬ original sound – ANJOE

Patok naman sa mga netizens ang nakakaaliw na pagiging boss ni Addie sa mga matitikas na bumbero.

“Ay ang kukupad! Nagalit tuloy yung Supervisor na sobrang busy ang sched.”

“paw patrol talaga bhie”

“Ang pogi naman nang Commander In Chief na yan”

“Buti nlang Hinde ngura si baby doggie hehehe.. bagal daw hahaha”

“hahahahaa Ang init Naman Ng ulo ni commando na Yan, kahit naka ice cream na”