Humanga ang mga netizens sa kabaitan ng isang police officer na naka duty sa Station 11 ng Binondo, lalong lalo na sa mga asong gala.
Sa TikTok video na ipinost ni Krizlyn Mayao, humingi siya ng paumanhin sa pulis officer sa pagpopost niya ng video nito habang inaalagaan ang dalawang aspin sa kanyang police assistance desk. Tuwang- tuwa daw kasi siyang makita ang kabutihan ng pulis sa dalawang aso na hayahay na hayahay pa na natutulog sa kanyang desk.
Hindi lang ang pagbibigay ng ligtas na pahingahan ang ginagawa ng officer na nakilala bilang si Staff Sergeant Oliver Alfonso, kundi binibigyan pa niya ito ng tubig at pagkain lalo na at sobrang init ng panahon.
Makikita sa video na may isa pang katropa ang mga aspin na lumpit kay Sarge para manghingi ng tubig, na agad naman niyang ipinag-igib sa dispenser.
@krizlyndomino #doglover#aspinlover ♬ 蜜桃物语 – 仁辰&于行
Hinangaan naman ng netizens ang pulis:
“should be ‘PAWLICE ASSISTANCE DESK’”
“Snappy Salute para sa inyo sir Oliver”
“Pag ang pulis mabait sa aso ‘ 100 person mabuting pulis yan”
“Ang hayop pag dumikit sa tao alam nila na may good heart ito”
“World would be a better place pag ganito ang mga kapulisan”