Para sa mga manonood ng concerts, ang next best thing sa panonood ng live sa kanilang mga idols ay ang mag-video para mabalik-balikan ang alaalang dulot ng masayang pakikihalubilo sa mga kapwa fans.
Pero naging mistulang comedy skit ang nangyari sa content creator na si Esnyr nang ibahagi niya na habang nasa exciting part ng BINI concert ay tsaka pa napili ng kanyang phone na mag-memory full.
Tawang-tawa ang mga netizens nang makitang feel na feel pa ni Esnyr na makisigaw at maki-sing along sa BINI at paglipat sa susunod na eksena ay full storage na ang kanyang phone, meaning, hindi na siya pwedeng mag-record ng ano pa man hangga’t hindi nagbubura ora-orada.
@esnyrrr PAUSE MUNA KAYO BINI TEKA LANG
Naka-relate naman ang ilang mahilig din mag-attend ng concerts.
“TEKAaA LAAaAaANG, teka lang nag didelete pa ung tao huohhh”
“HALA NA DELETE LAHAT NANG PICTURES SA JAPAN 😭😭”
“sasakripisyo yung sariling pic para sa bini”
“sana all po nakapunta na ng concert ng bini”