Kuhang-kuha ng customer ng isang salon ang tawa at aliw ng mga netizens nang i-video niya ang kanyang hair treatment na humantong sa mistulang pag-canonize sa kanya bilang bagong santo.
Paano ba naman, makikita sa TikTok clip na ibinahagi ni Wana (@wanaandfrankie) na kinukunan niya ang kanyang sarili habang umiikot ang Orbiting Halo Hair Processor sa kanyang likod. Pero dahil sa anggulo ng camera, biglang nagningning ang kanyang paligid pagtama ng machine sa ilaw na para bang isa siyang santo.
“Gusto mo lang naman i-document yung hair cysteine treatment mo, kaso bigla kang na-canonize as a saint,” ang pabirong caption niya sa kanyang nakakatawang hair treatment experience.
@wanaandfrankie At hindi ko pa talaga need i-edit ang audio ha. 😭😭😭 HAHAHAHAHAHA
Umani naman ng iba’t ibang witty at nakakakatawang hirit mula sa netizens ang kanyang video:
“Our blessed Wanabi, pray for us.Iligtas mo kami sa bad hair day at sa pagkakalbo, gayundin sa pagkahaggard at pagka-split ends.”
“Naisip ko naman parang kukunin ka na ng UFO”
“Pray for us 🙏📿”
“naging saturn ka maem”
“eto ba yung bagong saint?”
“HAHAHHAHAHAHA ANG HAVEY.. ST WANA PLS PRAY FOR US”