Patok di lang sa Pinoy! Jollibee Chickenjoy, wagi sa pinakamasarap na fast food fried chicken sa US

Pinataob ng Jollibee ang mga fried chicken ng mga sikat na prangkisa sa US tulad ng Popeyes at Chick Fil-A

Taob lahat ng ibang fast food fried chicken sa lutong at sarap ng Jollibee Chickenjoy matapos nitong makamit ang Best Fast food Fried Chicken title sa USA Today 10Best poll.

“They’re best known for Chickenjoy, the signature juicy, flavorful fried chicken. Order it in buckets or accompanied by sides — and don’t forget to dip it in their silky gravy,” ani USA Today.

Kabilang din sa mga pinagbotohan ang Popeyes Chicken at Chick Fil-A, na pawang mga malalaking fast food franchises sa Estados Unidos pero lahat ng kanilang entries ay naitsapwera dahil sa Jollibee.

Kasalukuyang may higit 1,500 stores na ang Jollibee sa buong mundo, kabilang na ang Pilipinas, Asya, Europa, USA, at maging sa Middle East.