Pati tubig, palaban! ‘Battle water,’ perpektong panlaban sa tag-init

Napagtripan na naman ng mga netizens ang isang misspelled signage para sa bottled water.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Paboritong pagtripan ng mga Pinoy ang mga maling signages sa mga itinitindang pagkain kaya naman galak na galak na naman ang madlang pipol sa isa na namang palpak na sign na naispatan sa isang mall.

Sa isang post ng KCC Mall of GenSan, tuwang-tuwa ang mga netizen nang makita ang isang sign para sa itinitindang softdrinks at inumin. Kabilang na dito ang Sprite, C2, Coke, at syempre, ang “battle water” na dapat sana ay bottled water.

Inulan naman ng mga nakakatawang komento ang post:

“Laban lang”

“Choose your battle wisely”

“Pangontra sa init!”

“Tubig ng mga mandirigma”

“Atapang Atubig”