Matapos mag-viral ang kanyang “Maui Wowie” entry sa social media, immortalized na din ang moment ng Kapamilya singer na si Darren Espanto sa pamamagitan ng leaf art ni MM Dacanay.
Sa kanyang post, kitang-kita ang silhouette ni Darren habang nakabitin sa railing ng pinto para sa kanyang “ASAP” performance.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizens nang maalala nila ang viral clip at sinabing ito na ang maaaring maging kapalit sa kasikatan ng mga videos ni Aljur Abrenica sa kanyang songerist era.
Natuwa din sila sa detalye ng leaf art na maging balahibo sa kilikili ni Darren ay kuha:
“Makakapag pahinga na si aljur. Hahha”
“Kahit buhok sa kili kili kuhang kuha”
“Husay ng balahibo ng kili kili hahaha”
“Very detailed naman pati buhok sa likiliki ni Darren kasama HAHAHAHA”