Kasunod ng magigiting na performance ng mga atletang Pinoy sa Paris Olympics—nanalo man o natalo—agad-agad bumuhos ang mga papuri at pasasalamat ng mga Pilipino para sa kanilang mga bayani sa France.
Pero wala na atang mas lulupit sa pagpupugay na ginawa ng National Artist for Literature na si Virgilio Almario, na kilala din bilang si Rio Alma na kanyang pen name.
Sa kanyang Facebook post, pinamalas ni Rio Alma ang kanyang lupit sa paggawa ng tula matapos niyang ilabas ang tula na may titulong “Pasyon Kay EJ (At sa mga Atletang Pinoy sa Paris Olympics)”.
Sa kanyang tula, nagpasalamat si Rio Alma sa sakripisyo at kagitingan na pinamalas ng mga atletang Pinoy sa Paris Olympics sa kabila ng mga pagsubok at iba’t ibang hamon.
Panalo naman sa mga netizens ang tula ni Rio Alma dahil sa ganda ng pagkakasulat nito at sa tindi ng hugot nito.
“Panalo maging pilipino Dahil sa mga pinadalang atleta ng taong ito… Mabuhay po kayo!”
“Ito’y ginto!”
“Nakakakilabot. Napaiyak ako.”
“I share ko po sir. nakakawala ng bigat ng dibdib”
“Panalo pa rin kayo sa inyong sipag at husay”
“Wow. Sobrang ganda po! Salamat po for expressing what the masses feel for EJ!”