Puno ng mga alaskador ang internet kaya naman ang isang TikTok user na nagpatulong sa mga netizen kung paano magpaabot ng kanyang bayad sa foreigner sa isang jeepney, nakatanggap ng kakulitan imbes na maayos na sagot.
Sa post ni @ubokqueen, makikita ang isang foreinger na nakaupo sa likuran ng driver habang ang OP naman ay nakaupo sa may kalayuan. Kung sa Pinoy sana ay madali lang magpaabot ng bayad pero dahil takot ma-nosebleed ay humingi ng saklolo ang user sa kanyang mga follower.
@ugbokqueen Me: asa ang 15 kowens
Sa awa ng Diyos ay wala siyang natanggap na maayos na sagot:
“Finish or not finish pass my paper”
“manong catch”
“pass this, or i will pass out”
“Excuse me, can you pass my shipping fee?”
“can you pass this onto the next chapter”
“here’s the money please let me go”