Matapos mag-viral noong taon dahil sa kanyang video na nakasimangot habang sumasali sa isang Stop Dance Game, pinag-iisipang maigi ni Mommy Regine kung pasasamahin pa siya ulit ngayon sa Christmas party ang kanyang anak na si Bochog.
Noong nakaraang taon kasi, umabot pa sa balita ang video ni Bochog dahil naaliw ang mga netizens sa sapilitang pagsayaw niya sa kanilang school Christmas party. Paano ba naman, kahit energy ang nakasulat sa kanyang shirt, halata namang wala na siya sa mood maki-party.
Napatawa din ang mga netizens sa paglutang muli ng kanyang viral video dahil kahit na wala sa mood ang bata ay nakikisama pa rin ito sa instructions sa stop dance kung saan sya napasali.
“HAHAHAHHAHA ANG CUTEEE”
“Ulit ulit ko pinapanood”
“Wahahahahahhaahahha bochog wawa ka tlga sa mami ano haha”
“Galit pero nasayaw prin sya hahaha”