Pasarela reveal: Chelsea Manalo, ibinahagi ang inspirasyon sa likod ng kanyang iconic na “Tampisaw Walk”

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo, sumampol ng kanyang “Tampisaw Walk” sa kanyang homecoming sa De La Salle Araneta University sa Malabon City.

Ang kantang “Raining in Manila” at ang paminsan-minsang pag-baha sa Bulacan ang mga naging inspirasyon ng “Tampisaw Walk” ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo.

Ni-reveal niya ito sa kanyang grand homecoming kamakailan sa De La Salle Araneta University sa Malabon City, kung saan sumampol din siya ng kanyang pasarela sa harap ng mga mag-aaral at mga guro na excited sa kanyang pagbisita.

(Miss Universe Philippines/FB)

Ayon kay Chelsea, dahil sa “Raining in Manila” ng OPM band na Lola Amour, pumasok sa isip niya ang kanyang signature walk.

“Yung walk ko sa swimsuit it was a last-minute idea. It had to come through somewhere na maaalala ng tao,” ayon Chelsea sa ulat ng GMA News Online“And somewhat very related to Bulacan na we have a little bit of a flood there,” dagdag pa niya.

“So, tampisaw cause when she’s walking she’s just as if playing in a little bit of water. That’s what I want to call my walk, ‘Tampisaw Walk,’” paliwanag ng Miss Universe candidate.