Hindi na makapaghintay ang mga Pinoy fans na sumuporta kina Elisia Parmisana, Gehlee Dangca, Jin Hyeon-ju sa show na “Universe Ticket” kung saan pasok ang tatlong K-pop wannabes sa bagong ilo-launch na K-pop group na UNIS.
Naglabas na ng teaser ang F&F Entertainment ng teasers para sa debut ng grupo na binubuo ng walong miyembro kabilang ang tatlong Pinay, tatlong Koreana at dalawang Haponesa.
Una nang ibinagsak ang trailer film para sa unang mini album ng UNIS na pinamagatang “WE UNIS.” Sa teaser, dystopian ang style ng MV kung saan ang walong miyembro ay binigyan ng kanya-kanyang focus.
Ipinakita na din ang MV teaser ng kanilang title track na “Superwoman” na may futuristic concept naman.
“the way Gehlee Dangca did her signature pose at the start of the teaser!! Our Disney Princess is still doing her princess things”
“Thanks to F&F in wasting no time with giving these girls a stellar debut! UNIS Fighting!”
“X-Bliss (Xodiac Fandom) here to support hot rookies UNIS that will debut soon, Oh My God Elisia is so beautiful.. Can’t wait for your debut, Fighting UNIS.”
Opisyal na mag de-debut ang UNIS sa March 27.