Ready na ba ang lahat mainis?
Kagaya ng pasabog na paglabas ng “Linlang” sa Amazon Prime, patok din ang mas pinahabang bersyon nito na mapapanuod sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at iWantTFC dahil sa unang episode pa lang nito, nagtala na ito ng 367,069 live viewers sa Kapamilya Online Live.
Kung sa unang labas ng “Linlang” sa Amazon Prime ay mayroon lamang itong 14 na episode, mas maraming eksena ang ipapalabas sa television version nito na tiyak na magdadala ng higit pang mga nakakainis at nakakaintrigang kaganapan na magpapaabang sa mga manunuod.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN at ng Dreamscape Productions, mas marami pang kaabang-abang na pangyayari ang magaganap sa buhay nila Juliana, Victor at Alex na ginagampanan nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman.
Matatandaang sa unang paglabas nito ay lagi itong laman ng mga trending topic dahil sa kahindik-hindik na mga kaganapan, maging sa pagganap ni Kim Chiu ng bida-kontrabida sa unang pagkakataon.