Laugh trip at good vibes ang dulot ng video ng isang grupo ng mga baboy sa isang kural kung saan tila nakiki-party ang mga porky sa malakas na sounds ng mga nagkakasayahan sa kalapit lugar.
Sa video na post ng FB account na 404, tila ligayang-ligaya ang mga baboy na patakbo-takbo pa sa kural sa saliw ng tugtog na naririnig nila sa sound system. Nagmistulan tuloy diskuhan ang kanilang kural dahil pati ang ilaw ng sayawan ay tumatama din sa kanilang tirahan.
Kanya-kanyang hirit naman ang mga netizens sa hanash ng mga piggies!
“For sure the party is so lit”
“sooo cuuuuteee”
“Let’s go family!!! HAHAHAH”
“Sana all masaya”
“Hehehe, pati baboy nagpaparty n din.”