Party animal! Asong nagpaparty sa bar sa Siargao Island, kinatuwaan ng netizens

Isang aso ang nagpaaliw sa mga netizens matapos mahuling nakikiparty sa isang bar sa Siargao Island.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga batang 90s at early 2000s, ang kantang “Who Let the Dogs Out” ng Baha Men ay siguradong magpapaalala ng kanilang mga night outs at mga bar hopping days.

Pero sa video na pinost sa Tiktok ni Nhorvin Eclarin, makikita ang isang aso na nakikiparty sa mga tao sa isang bar sa Siargao Island.

Sa video, makikita ang aso na nasa kalagitnaan ng dance floor na puno ng mga humahataw na tao at tahimik na lumilingon lingon.

“WOY KANINONG ASO TO NAGPAPARTY SA SIARGAO HAHAHAHA,” sabi ni Nhorvin.

Maya-maya pa, makikita sa video na may bumuhat na sa aso sa loob ng bar.

@neclarin WOY KANINONG ASO TO NAGPAPARTY SA SIARGAO HAHAHAHA #fyp #siargao #siargaoisland ♬ original sound – Nhorvin Eclarin

Namangha at natuwa naman ang mga netizens sa ugali ng aso kahit na napapaligiran ng mga taong hindi niya kilala.

“sana all nakapag party sa siargao island”

“literal na party animal”

“HWHAHAAH ang cute hindi siya nangangagat kahit sobrang ingay at gulo ng paligid nya”

“hindi kasi sya nakaparty dati sa past life nya kasi strict parents nya kaya bawi ning sya sa next life nya”

“Sanay sa party party-awww si doggie”