Sa panahon ngayon, hindi na pala tili o talon ang sukatan ng ultimate fangirl o fanboy moment. Ngayon, dinadaan na lang sa biritan.
Sa nakakaaliw na TikTok video ni @trishasadullo, makikitang todo kapit at todo effort ang fans habang nasa isang ambush meet and greet with autograph signing sa isang parking lot ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo o JK.
Halatang gusto nilang sulitin ang bihirang chance na makita si JK nang malapitan kaya kanya-kanyang diskarte ang peg.
May mga nagpakuha ng picture, nakipag-small talk, at nagpa-autograph. Pero ang tunay na scene-stealer ay ang fan na biglang bumirit ng one-liner mula sa hit song ni JK na “Ere.”
Walang kaabog-abog nitong siningit ang matunog na “Oh, diba!” Kahit hindi naikanta ang buong linya, gets na gets ng lahat ang vibe dahil sakto sa tono at feels ang atake.
@trishasadullo "OH DIBA" HAHAHAHAHA LARO @juan karlos labajo #meetgreetandbye #fyp #trending #foryou ♬ original sound – Heyitsme.trish
Tawang tawa naman ang netizens sa comment section:
“teh nawala antok ko sa oh di ba hahahaha oh di baaaaa 😭😭😭”
“Larooooo HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHA OHHHH DIBAAAA 😭🤣”
“SANA TINULOYYYY HAHAHAHAAHA”
“talagang may diin eh”