Hindi naman talaga masisi ang mga fans ni South Korean star Park Bo Gum dahil bukod sa napakaguwapo na nito ay napakabait pa.
Maging ang mga radio host ay sobrang bilib sa aktor nang magkusa itong humabol sa recording studio matapos magkamali ng anunsiyo ang radio station na darating ang aktor bilang maging isang guest gayong ang direktor lang ng pelikulang “Wonderland” ang siyang dapat dumalo sa interview.
Ani mga host ng “Choi Kang-hee’s Cinema Music,” nagulat na lamang sila nang dumating sa studio si Park Bo Gum dahil napakinggan niya sa radyo na isa siya sa mga guest.
Bumilib ang mga staff at host ng programa dahil kahit sila ang nagkamali ay ginawan ng paraan ni Bo Gum na dumalo upang hindi sila mapahiya sa mga tagapakinig.